Archive for Filipino

PAG-IBIG Housing Loan Program

Sa tulong programa ng pamahalaang Pilipinas, posible at madali  ng pagawan ng bahay ang mga naiwang minamahal sa PILIPINAS!

Ang PAG-IBIG Housing Loan Program o pondo para sa pabahay ay bukas para sa mga miyembro ng PAG-IBIG FUND na naninirahan o nagtratrabaho sa loob o labas man ng Pilipinas.

Click here for information about registering as OFW PAG-IBIG member.

Maaaring gamitin ang housing loan para sa alinman sa mga sumusunod: • pagbili ng lupa; • pagbili ng bahay; • pagpapatayo o pagpapatapos ng bahay; • pagpapaganda o pagkukumpuni ng bahay; • pag refinance ng pagkaka-utang mula sa isang bangko na katanggap-tanggap sa Pag-IBIG Fund; at • kumbinasyon ng mga nasabi.  
Loan Package Interest Rate Buwanang Hulog*
P400,000 6% P2,398.20
P750,000 7% P4,989.77
P1 Million 8.5% P7,689.13
P1.25 Million 9.5% P10,510.68
P2 Million 10.5% P18,294.79
P3 Million 11.5% P29,708.74
*Principal and interes lamang
Buwanang Impok/Kontribusyon Employer Counterpart Pinakamataas na maaaring mahiram
P100 hanggang P300 P100 Hanggang P700,000
P400 hanggang P600 Higit sa P800,000 hanggang P1.3 milyon
P700 hanggang P900 Higit sa P1.4 milyon hanggang P1.9 milyon
P1,000 hanggang P1,200 Higit sa P2.0 milyon hanggang P2.5 milyon

___________________________________________

Para sa karagdagang tulong, tawagan si Ms. Linda Reyes sa  408- 509-1274 (US number) o sumulat sa lovefundusa@sbcglobal.net. 

May nakalathala ding impormasyon sa http://www.pagibigfund.gov.ph/pop/

Buhay Migrante, Isang Tula

 
BUHAY MIGRANTE
Ang pagiging migrante ay hindi parang susubo ng mainit na kanin at iluluwa na lamang kapag napaso
Ang pagiging migrante ay saktong sinusubo ang mainit na kanin at lulunukin ito.
Kahit mapaso ang dila,
Kahit maiyak sa init.
Kailangan mo, eh.
Para ‘di ka magutom.
Kailangang gawin ng anak mo,
Kailangang gawin ng asawa mo, lolo mo, nanay mo, pinsan ng bayaw ng kumara mo.
Para ‘di magutom.
Kasi kung nagsasaing ng kanin at may mga ibong mandaragit na nakabantay sa kanin,
Ano pa ba ang gagawin mo?
‘Di bago tirahin ng mga buwakang mandaragit na ‘yan, isubo na ang mainit na kanin.
Isubo mo nang isubo.
Kain lang ng kain.
Mapaso man, hilaw man, basa man, pagpag man ito, sige,
Kain lang.
Dahil pag ubos na ang kanin at walang natira,
Isang masaklap na kinabukasan nang walang laman ang tiyan ang hinaharap mo.
Huwag na huwag mong iluluwa.
Kaharap mo man ang diskrimansyon, racial profiling,
Pagkalungkot dahil hindi mo pa nakikita ang mga anak mo ng sampung taon,
Tuloy ang kayod sa ibang bansa.
Ma-rape, makaltasan ng suweldo, mabuhay sa takot araw-araw,
Dahil wala kang papel,
Lulunukin nating ang pigiging migrante,
Para ‘di magutom.
Ang pagiging migrante ay hindi parang susubo ng mainit na kanin at iluluwa kapag napaso.
Ang pagiging migrante ay saktong sinusubo ang mainit na kanin at nilulunok ito.
___________________________________________________
PANULAT NI MELANIE DULFO
Melanie Dulfo is
A community organizer and a social worker.
A Filipino immigrant.
A storyteller and a performer, interested in stories of the people, of the masses.
An academic and a practitioner, believes in simultaneous reflection and action, resulting in praxis.
She is also Part of the Philippine Forum, Working with the Kabalikat Domestic Workers Support Network
CONTACT INFORMATION
Philippine Forum
Bayanihan Filipino Community Center
4021 69th Street, Woodside NY 11375
Email: mdulfo@philippineforum.org
GABRIELA-USA: Filipinas for Rights and Empowerment (FiRE0
Asian and Pacific Islander Coalition for HIV and AIDS (APICHA)400 Broadway, New York, NY 10013www.apicha.orgT: 212-234-7940F: 212-334-7956Email: mdulfo@apicha.org

Paalam Sampaguita by Yano

Paalam sampaguita Bakit ka lalayo pa Maninirahan sa america Di na tayo magkikita Anong silbi ng larawan mo Kung hindi ka naman naririto Habangbuhay ko bang ilalagay Sa pitika ko na un ibibigay Tatay at nanay mo ang nagsabi Di raw tayong maaring mag-steady Gusto nilang maging asawa mo Ung anak ng mayari ng barko Paalam sampaguita Bakit ka lalayo pa Maninirahan sa america Di na tayo magkikita Sabi mo mahal mo ako Sa ilalim ng buwan nagsumpaan pa tayo Na walang makakahadlang Kahit sino man sa ating pag-iibigan Kay saklap naman ng kapalaran Nilisan ka 'pagkat ika'y napilitan lng Kaya ito laging kasama ko Ang tamis ng pait ng ala-ala mo Paalam sampaguita Bakit ka lalayo pa Maninirahan sa america Di na tayo magkikita Ganito ba talaga ang pag-ibig Di maaring magtagpo ang lupa't langit Ganito ba talaga ang pag-ibig Di maaring magtagpo ang lupa't langit Paalam sampaguita Bakit ka lalayo pa Maninirahan sa america Di na tayo magkikita Paalam na Paalam na Paalam na Paalam na, bye bye... For video of this song, click here.  

Hardin ni Monsignor Romy

Kay hirap paniwalaan na sa gitna ng siyudad na tinaguriang kapitolyo ng mundo, sa isang likod-simbahan ay may munting hardin na hitik sa bunga ng mga gulay na tunay namang nakakagiliw. Sino ba ang hindi mapapangiti sa mga luntiang dahon at naglalakihang ampalaya, mabibilog at makinis na kamatis, malalagong talbos ng kamote, mangilangngilang mapupulamg sili, atbp...?  Ang nagpasimula ng hardin ay si Monsignor Romy Montero, isa sa mga kura paroko ng Our Lady of Pompeii Church sa Greenwich Village.  Sa mahigit na anim taon na nyang pamamalagi sa Lungsod ng New York  ay talaga namang giliw na giliw at nangungulila pa rin sya sa mga gulay na nakalakhan na nya sa Pilipinas. Noong nakaraang Miyerkules, matapos ang lingguhang  Novena Mass para sa Ating Ina ng Laging Saklolo ay napagkatuwaan naming mga miyembro at tagapagtaguyod ng Filipino Pastoral Ministry (FPM) magkuhanan ng larawan sa kanyang hardin.  Matapos ang katuwaan ay ang inaantabayanang kainan na ang pinagsaluhan ay ang mga bunga ng kanyang pinaghirapan.  Kapareho ng mga gulay, masarap at sariwa ang mga ala-ala ng Pilipinas na bumabalik sa aking isipan. Salamat, Monsignor Romy! Salamat sa pagkakataong magkasama-sama ang mga Pilipino, mula sa mga munting salu-salo pagkaraan ng mga pagpupulong mula sa ating Lingguhang Novena at Misa.  Mula sa Eukaristiyang pagkain ng aming kaluluwa hanggang sa mga gulay na pagkain ng aming katawan, tunay kang aming tagapagtaguyod-- ang aming pastol.

Mag-isa

Wala Lang

Nagugutom na ako. Kaso wala namn akong kasamang kumain ngayong gabi. Ewan ko ba at saan nagsusuout ang mga dati-rati'y nangungulit sumabay kumain sa akin. Pakiramdam ko tuloy ngayon napagiwanan at kawawang-kawawa dahil walang kasamang kumain. Kung hindi lang ako talaga halos mahihimatay na sa gutom maanong tiisin ko na lang wag kumain ng gabihan at ng hindi na ako malungkot ng ganito. Ngayon ko lang nararamdaman kung gaano pala kasarap ang sa araw-aarw ay nakkasabay mong kumain ang mga taong mahahalaga sa yo. Nakikinita ko na sa gayong oras ng kainan ay nagtatawanan kami habang sabay-sabay na nanonood sa walang katapusang drama ni Judy Anne o di kaya ay ng kapanpanabik na kaganapan sa buhay ng mga Mulawin ..Pero hindi nga pala pareho ang oras natin sa kanila. Sandosenang oras ang agwat ng New York sa Pilipinas kaya malamang sa sumandaling eto ay kumakain sila ng umagahan sa munti naming tahanan sa Tarlac. Siguro ay may nakahaing champorado na sinamahan ng tuyong binabad muna sa sukang maanghang o di kaya'y ang napakasarap na longanisang galing pa sa Ilokos na kaysarap isawsaw sa Jufran. Hay, sarap naman ng buhay doon na gigising ka na lang at may pagkain ng nakahain sa yo. Wala ng isip-isip, kakain na lang at isusuout mo na rin ang bagong laba at plantsadong damit na di mo man lang nakitang nagtagal sa labahan. Dito sawang-sawang na ako sa kakaisip. Kaydaming pagpipilian. Nakakalito. Katulad na lang sa pagkain ng hapunan. Una iisipin mo sino sasalo sa yo, pagkatapos ay iisipin nyo pa pareho kung saan kayo pupuntang kainan na swak sa panlasa ng bawat isa. Kapag nasa kainan ka naman na, bibigyan ka ng menu na pagkaramiraming pagpipilian. Madalas pa kakain na nga lang ng panghimagas ay iisipin mo pa kung saan ka uli pupunta. Andaming arte…Sa pagkain, damit, mga uri ng taong kakaibiganin. …May maputi, maitim, kulay dilaw, pandak na maikli and leeg, singkit na hirap mag-ingles, sobrang tangkad na nakakalula…Iba-iba…Malulunod yata ako sa sobrang dami ng mapagpipilian. Nalilito na ako. Gumugulo ang isip ko. Minsan ata mas mabuti pang konti ang pagpipilian para buo ang desisyon ko.Maski nga sa Friendster at MySpace ay hati na ako. Dinagdagan pa ng Hi-5, Goodreads, Facebook at kung anu-ano pa. Dati sa Pilipinas YM lang ako. Ngayon pati G-talk, AIM, Skype at kung anu-anong dot.com ay pinagaaksayahan ko na rin ng oras. Sawang-sawa na rin ako sa kakatip. Aba sa amin ata hindi mo na kailangang bigyan ng tip si Manang na tagalinis sa araw-araw o si Ading na ang sarap magluto ng paborito kong mongo na my ampalaya. Mabilhan mo lamang ng bagong duster o di kaya's Eskinol na pamahid sa mukha paminsan-minsan ay masaya na sila. Ang tagal dumating ng pagkain.Naalala ko tuloy na habang papunta na ako ay nakasalubong ko ang dalawang magkasintahang magkaiba ang kulay at pinagmulan.Naisip ko na naman..Papano kaya sila nagkkaintindihan? Hindi bat kay sarap na kung may kasintahan kay ay sabay nyong nakakanta ang mga OPM o di kaya'y dadayo pa kayo ng Elmhurst para lang umupa ng pelikulang Pinoy. Kay ganda rin pareho kayong natatawa sa mga Erap jokes at naghahanap ng pagkaing di mo na kailangang lagyan ng klas na pangalan para lang maintindihan ng ibang lahi. Mas masarap atang kainin ang turon pag sya ay tinawag na 'turon' at di 'banana with jack fruit in crispy crepe' o di kaya'y numannam ng mainit na lugaw kesa 'congee'Papano kaya nagkakasalubong ang hilig ng 2 iyon samantalang pareho na ngang Pilipino na nagmula sa parehong bayan ay hirap na ngang ayusin ang pagsasama? Ayan kumakain na ako. Sa katagal-tagal ng pag-upo ko dito e karami ko na tuloy napag-iisipisip. Gutom ako kanina pero ba't parang ang hirap ubusin ng pagkaing eto. Parang nasasamid ang lalamunan ko sa bawat lunok ko ng mainit na sabaw. Masarap naman sya. Paborito ko pa nga ang hiningi ko sa waiter na alam na alam na ata ang oorderin ko bago ko pa man ibukas ang bibig ko, pero bakit ganito? Sabi ko na nga bat mas mabuti pang umuwi na lang ako at kumain ng prutas habang nanonood ng palabas na Pinoy o di kaya'y makipaghuntahan sa mga kaibigan ko sa California. Pero mukhang wala din makaalala sa akin ngayon. Kanina pa hindi humuhuni ang aking telepono.   Hay naku…uli-uli di na uli ako kakaing magisa.